Pondo para sa Manila Bay rehab, tumaas ng 16% ngayong taon

Makakatanggap ng mas mataas na pondo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa rehabilitasyon ng Manila Bay ngayong taon.

Ayon kay Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor, dati ring DENR Secretary, ₱1.56 billion ang itinaas sa pondo para sa development, updating at implementasyon ng Operational Plan ng Manila Bay Coastal Management Strategy.

Mas mataas ito ng 16% kumpara sa ₱1.35 billion budget na inilaan para sa rehabilitation ng Manila Bay noong nakaraang taon.


Paliwanag ng kongresista, ang operational plan ay salig na rin sa 2008 mandamus ng Korte Suprema na nagbibigay direktiba sa DENR at 12 iba pang ahensya na ibalik sa Class B Level ang tubig sa Manila Bay na ligtas na malalanguyan ng publiko.

Paliwanag ni Defensor, ang fecal coliform level sa Class B coastal waters ay hindi dapat bababa sa 200 most probable number (MPN) per 100 milliliters (ml) ang Class B coastal waters.

Noong nakaraang buwan, inihayag ni Environment Secretary Roy Cimatu na sa 21 monitoring stations sa paligid ng Manila Bay, bumaba sa 4.87 million MPN per 100ml ang fecal coliform level mula sa 7.16 million MPN per 100 ml fecal coliform level noong 2020.

Ang coliform level naman sa beach nourishment project o iyong bahagi na nilagyan ng dolomite sand ay bumaba na sa 523,000 MPN per 100 ml mula sa 2.2 million MPN per 100 ml.

Facebook Comments