Pondo Para Sa Mga Estudyanteng Papasok Sa Senior High School, Tiniyak

41

MANILA – Tiniyak ng Malacañang na may sapat na pondo na inilaan ang gobyerno para makapasok sa senior high school ang bawat estudyanteng nagtatapos sa grade 10.Ayon kay DepEd Undersecretary Reynaldo Laguda, nasa P12 billion ang kabuuang pondo para sa 1.5 million na mga estudyante na papasok sa senior high school sa Hunyo.Aniya, nasa 90 percent ng grade 11 enrollees ang makakabenepisyo mula sa government’s voucher program.Nag-anunsyo na rin ang maraming senior high schools na hindi sila magpapatupad ng pagtaas ng matrikula.Ang senior high school program ay nakatakdang ipatupad ngayong school year kung saan magsisimula ang pasukan sa June 13.

Facebook Comments