Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nagagamit ng wasto ang ₱7.4 billion budget para sa National Immunization Program.
Base sa public record, ang DOH ay may 98% utilization rate, ibig sabihin ay napapakinabangan at nagagastos sa tamang pamamaraan ang pondo o katumbas ng 7.3 billion pesos.
Ang natitirang bahagi ng pondo ay napupunta sa savings ng ahensya.
Ayon sa DOH, inilalaan ang pondo para sa pagbili ng bakuna para sa mga infant, adolescents at senior citizens.
Muli ring inihayag ng DOH na ang low vaccination rate ay dahil sa vaccine hesitancy.
Facebook Comments