Ibinaba na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Health (DOH) ang Php7.92 billion para sa One COVID-19 Allowance ng 526,727 eligible public at private healthcare workers, depende sa kanilang exposure sa COVID-19.
Para sa mga health workers na identified bilang high risk, makakatanggap ng Php 9, 000 ang mga ito para sa isang buwan.
₱6,000 naman para sa medium risk, at ₱3,000 para sa low risk.
Mula sa kabuuang pondo, ₱4.50 billion ay nakalaan para sa benepisyo ng 100,313 DOH plantilla personnel sa public hospitals, offices, at rehabilitation centers, kabilang na ang mga nasa military at state university hospitals.
Ang natitirang ₱3.42 billion naman ay para sa 426,414 health workers na nagri-report sa LGU at private health facilities.