Manila, Philippines – Posibleng umabot sa 150 bilyong piso ang kakailanganin ng gobyerno para sa muling pagbangon ng Marawi City.
Sa pagtaya ng Office of Civil Defense, umaabot sa 78,466 pamilya o nasa 359,680 residente ng Marawi ang nawalan ng kanilang tirahan sanhi ng kaguluhan.
Bukod pa sa matinding pinsala sa mga gusali at istrukturang nawasak dahil sa araw-araw na pambobomba ng military sa pinakutaan ng mga miyembro ng Maute terror group.
Dahil sa dami ng strukturang nawasak dahil sa giyera, mangangailangan ng mga bagong mga gusali at iba pang estblisimiye*n*to sa lungsod.
Samantala, hinihintay na lamang ng binuong task force bangon Marawi ang go-signal mula sa AFP upang makapasok sa war zone upang makapaglunsad na ng damage assessment.
Inaasahang matatapos ang damage assessment sa lungsod sa Oktubre 27.
Pondo para sa pagbangon ng Marawi, may posibilidad na umabot sa 150 bilyong piso
Facebook Comments