Pondo para sa pagbibigay ng Special Risk Allowance sa health workers, hindi pa rin natatanggap ng ilang ospital

Marami pa ring mga ospital ang hindi pa natatanggap ang pondo para sa Special Risk Allowance ng kanilang healthcare workers.

Ito ang inihayag ng Alliance of Health Workers (AHW) sa kabila ng kanilang pagbibigay ng deadline sa Department of Health hanggang sa Setyembre 1.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni AHW President Robert Mendoza na umaasa silang tutuparin ng pamahalaan ang pangako na ibibigay na lahat ng mga benepisyo sa mga health workers sa loob nang dalawang araw.


Aniya, nakakalungkot na naabutan na ng expiration ng Bayanihan 2 ang pondo na nakalaan sana sa health workers at ang nasilip pa ng Commission on Audit na hindi nagastos na pera ng DOH mula pa noong nakaraang taon.

Ngayong araw, ilang health workers ang nagsagawa ng kilos protesta sa iba’t ibang ospital upang ipanawagan ang pagbibitiw ni Health Secretary Francisco Duque III.

Facebook Comments