Pondo para sa pagbili ng COVID-19 vaccine, nasa tamang pangangalaga ayon kay Pangulong Duterte

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa ‘mabuting kamay’ ang pondo para sa pagbili ng COVID-19 vaccine.

Matatandaang kailangan ng ₱73.2 billion para makabili ng potensyal na bakuna para maprotektahan ang mga Pilipino sa sakit, at manggagaling ito mula sa multilateral agencies, domestic at bilateral sources.

Ayon sa Pangulo, pinaghahawakan ito ng grupo na kanyang pinagkakatiwalaan.


Kaya panawagan ni Pangulong Duterte sa publiko na sundin pa rin ang minimum health standards habang hinihintay ang bakuna.

Una nang sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na plano ng pamahalaan na bumili ng vaccine supply para sa 60 hanggang 70 milyong Pilipino sa susunod na tatlo hanggang limang taon para maabot ang herd immunity.

Facebook Comments