Pondo para sa pagbili ng sasakyan ng DepEd, aprubado na bago ang pandemya – Palasyo

70

Ipinagtanggol ng Malacañang ang Department of Education (DepEd) sa pagbili ng bagong service vehicles.

Nabatid na inihatid ng Mitsubishi Motors ang 166 units ng Strada 4×4 MT sa DepEd sa San Fernando, Pampanga na gagamitin ng field engineers ng ahensya para sa field inspections.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pondo para sa proyekto ay nakalaan nab ago pa tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa.

Matagal na aniyang aprubado ang pondo para sa pagbili ng mga sasakyan.

Bago ito, nasa 88 trucks ang inhatid sa DepEd Disyembre noong nakaraang taon, sumatutal ay may kabuuang 254 units ng sasakyan ang nabili ng ahensya.

Facebook Comments