Pinapopondohan ni Alliance of Concerned Teachers (ACT-Teachers) Partylist Rep. France Castro sa Department of Education (DepEd) ang pagpapa-ospital at pagpapagamot ng mga guro.
Ikinadismaya ni Castro ang pagbalewala ng DepEd sa panawagan ng mga guro na sagutin ng ahensya ang kanilang hospitalization at treatment sa oras na magkasakit ng COVID-19.
Paalala ng kongresista sa ilalim ng RA 4670 o Magna Carta for Public School Teachers ay nakasaad sa Section 22 na mandato ng DepEd na magkaloob ng libreng medical treatment o hospitalization sa lahat ng mga public school teachers.
Ito aniya ang basehan sa mga demands ng mga guro lalo na ngayong may pandemya.
Mula aniya noong 1966 na naging batas ito ay walang inilaang pondo para sa libreng pagpapa-ospital at pagpapagamot sa mga guro at nakaasa lamang sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hindi naman libre at buwan-buwang hinuhulugan din ng mga teachers.
Nakasaad din sa batas na bago mabigyan ng trabaho ang isang guro ay dapat sumailalim ito sa free compulsory medical examination at kada taon ay dapat may free medical check-up din ang mga ito.