Pondo para sa pagpapatupad ng National ID System, lusot na sa Kamara

Manila, Philippines – Aprubado na ng House Appropriations Committee ang pondo para sa implementasyon ng National ID System.

Ayon kay Committee Chairman Karlo Alexei Nograles, dapat maipatupad ang Filipino Identification System o FILSYS dahil nakasalalay dito ang seguridad at pag-unlad ng bansa.

Nilinaw din ni Nograles na ang terorismo ang pinakamalaking banta ngayon sa kapayapaan ng buong mundo kaya dapat magkaroon ang gobyerno ng epektibong sistema para maihiwalay ang mabubuting mamamayan sa mga masasamang elemento.


Tiwala naman si Nograles na ipapasa rin ng Senado ang FILSYS para mapalakas ang laban ng bansa kontra terorismo at kriminalidad.

Facebook Comments