Manila, Philippines – Tiniyak ni Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda na may pondo para sa quick recovery, reconstruction, at rehabilitation ng Marawi City.
Ayon kay Legarda, mayroong 5-bilyong piso an inilaan ang Department of Budget and Management.
Bukod pa aniya ito sa 10-bilyong pisong pondong nakapaloob sa National Disaster Risk Reduction and Management o NDRRM.
Binanggit din ni Legarda, na naglaan din sila ng dagdag na salapi para sa quick recovery and rehabilitation na nakapaloob sa proposed 2018 National Budget.
Meron din aniyang 500-Million-Peso subsidy para gamitin sa loan facility sa mga residente ng Marawi na makakatulong para sa pagpapaayos ng mga nasira nilang tahanan at iba pang ari-arian.
Sabi ni Legarda, hanggang 2-million pesos lang ang maaring utangin ng bawat pamilya at hindi ito papatawan ng interes.
Mayroon din aniyang One Billion Pesos para sa Department of Trade and Industry’s Shared Service Facilities Project kung saan ang 50 Million Pesos ay ilalaan sa micro, small and medium enterprises na naapektuhan ng giyera sa Marawi.
Dagdag pa dito ang 5-million pesos na gagamitin sa cultural mapping na gagawin ng Mindanao State University sa layuning mapreserba ang heritage sites sa Marawi.