Lusot na sa House Committee on Appropriations ang inisyal na pondo na gagamitin para sa pagtatatag ng Department of Filipinos Overseas and Foreign Workers (DFOFW).
Ayon kay House Committee on Re-organization Chairman Mario Vittorio Marino, tinatayang P5 Billion ang kakailanganing pondo para sa bagong departamento.
Huhugutin ang pondong ilalaan sa DFOFW mula sa kasalukuyang budget ng mga ahensya na mapapasailalim na sa bagong departamento.
Kabilang dito ang Office of Migrant Workers Affairs, Commission on Filipino Overseas, Philippine Labor Offices, International Affairs Bureau, POEA at OWWA.
Muli ringbinigyang diin ni marino ang kahalagahan ng pagpapasa ng naturang kagawaran.
Bukod aniya sa hirap at abuso na nararanasan ng ibang OFWs, malaki rin ang kanilang ambag sa ating ekonomiya.
Base kasi sa tala, 10% ng GDP ng bansa ay mula sa remittance ng mga OFW.