Pondo para sa pension hike ng senior citizen, hindi nakapaloob sa proposed 2022 national budget

Hindi kasama sa panukalang pambansang pondo sa susunod na taon ang ₱24.5-B na pondo para sa 500 pesos na increase sa ₱1,000 na buwanang pension ng mga mahihirap na senior citizen.

Sa pagsusumite ng proposed ₱5.268 – trillion 2023 national budget dito sa Kamara ay ipilinawanag naman ni Budget Undersecretary Rosemarie Canda, na tapos na nila ang proposed 2023 national budget ng maging batas ang Republic Act no. 11916 o ang Social Pension for Indigent Seniors Act.

Gayunpaman, tiniyak naman ni Canda na masusing makikipagtulungan ang Department of Budget and Management sa Kongreso para mapondohan ang pension hike ng indigent senior citizens.


Pangako ni Canda, magbibigay ang DBM sa Kongreso ng “utilization rates” ng iba’t ibang departamento ng gobyerno para mabatid kung saan maaaring mahugot ang pondo para sa dagdag-pensyon ng mga nakatatanda.

Facebook Comments