Pondo para sa Phase 1 ng Metro Manila Subway Project, aabot ng P1.5 Billion

154

Tinatayang aabot sa P1.5 Billion ang pondong inilaan para sa Phase 1 ng 36-kilometer Metro Manila Subway Project.

 

Ayon kay Deputy Minority Leader Luis Campos, nasa 365,000 na pasahero ang makikinabang sa araw-araw na pagbyahe sa subway sa unang taon palang ng full operation nito sa 2025.

 

Inaasahang tataas pa sa 973,000 na bilang ng mga pasahero ang babyahe sa subway pagsapit ng taong 2035.

 

Tinatayang mula sa 15-million daytime population sa NCR sa kasalukuyan, inaasahan ding aangat pa ito sa bilang na 20 million sa mga susunod na taon

 

Ang phase 1 ng unang underground rapid transit system ay susuportahan sa ilalim ng P51.3 Billion discounted loan mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA).

Facebook Comments