Pondo para sa police body cam, dapat ihanda na alinsunod sa atas ng Korte Suprema

Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa Department of Budget and Management (DBM) at Philippine National Police (PNP) na isama sa budget para sa 2022 ang pambili ng body cameras na gagamitin ng mga pulis sa operasyon.

Ayon kay Recto, malinaw ang sinabi ng Korte Suprema na ihanda na ang pondo para sa body cam kaya hindi pwedeng idahilan ng DBM at PNP na walang abiso hinggil dito.

Kung tutuusin ayon kay Recto, maaaring umabot lang ang pambili ng body cam sa 2% ng kabuuang taunang budget ng PNP.


Ikinalungkot ni Recto na ngayong taon ay hindi nilaanan ang PNP ng salapi ang body cam mula sa P191.1 billion na 2021 budget nito.

Mungkahi pa ni Recto, bukod sa body cam na nakakabit sa dibdib ng mga pulis na magsasagawa ng operasyon ay dapat mayroon ding dashcam ang mga sasakyang gamit ng mga ito.

Paliwanag ni Recto, makakatulong itong ebidensya para mapalakas ang kaso laban sa mga kriminal na subject ng kanilang operasyon.

Facebook Comments