Manila, Philippines – Aabot sa 92 billion pesos ang proposed budget para sa muling pagbangon ng Marawi City.
Ayon kay Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra, sakop nito ang compensation para sa nasirang private property, iba pang imprastraktura sa loob ng marawi maging ang pinsalang binunga ng bakbakan sa iba pang kalapit na lokalidad.
Nilinaw rin ng alkalde na ang tinakdang October 26 na target sanang petsa para sa pagpapabalik sa mga residente ng lungsod ay depende pa kung maisasaayos na agad ang basic facilities sa Marawi.
Nais kasi sana ni Mayor Gandamra na maibalik muna ang mga pangunahing pasilidad sa lungsod gaya ng water at electricity system gayunin ang mga basic sstablishment gaya ng mga tindahan at gasolinahan.
Facebook Comments