Pondo para sa rehabilitasyon ng mga lugar na nilindol, dapat matiyak na nakapaloob sa 2026 national budget

Isinulong ni Bagong Henerasyon Party-list Representative Robert Nazal na maipaloob sa 2026 national budget ang pondo para sa rehabilitasyon ng mga lugar na tinamaan ng malakas na lindol sa Cebu.

Ayon kay Nazal, katulad sa mga naunang Kongreso ay kailangang tiyakin ng Kamara na mayroong alokasyon para maibangon ang mga napinsalang komunidad kasama ang mga gumuhong simbahan at iba pang istraktura.

Kinalampag din ni Nazal ang Department of Human Settlements, Department of Public Works and Highways (DPWH), at Department of the Interior and Local Government (DILG) na tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng muling pagtatayo sa kanilang mga bahay at mga kailangang imprastraktura.

Ayon kay Nazal, sa mga susunod na linggo o buwan ay hihingan nila ng governance and business continuity measures ang mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan para sa pagbangon ng mga naapektuhang barangay at mga bayan.

Buo rin ang suporta ni Nazal sa anumang hakbang ng Kamara para matulungan ang mga biktima ng trahedya.

Facebook Comments