Pondo para sa repatriation program ng OWWA, hindi na sapat

Muling hihirit ng karagdagang pondo ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang magamit sa pagpapauwi sa mga na-stranded na Pilipino sa ibang bansa dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, hindi na sapat ang pondong nasa kanilang ahensiya dahil aabutin na lamang ito hanggang sa susunod na tatlong buwan.

Dahil dito, posibleng pagkatapos ng Se]tyembre ay hihingi ng pondo ang OWWA sa Department of Budget and Management (DBM) kaugnay sa pangangailangan ng pondo ng katapusan ng taon.


Nitong nakaraang buwan, aabot sa P5.2 billion ang natanggap ng OWWA bilang dagdag-pondo para sa repatriation program.

Habang nasa 612,000 Pilipinong stranded sa ibang bansa ang napauwi na simula Mayo 2020 kung saan sagot ng ahensya ang swab testing, flight tickets at quarantine ng mga ito.

Sinabi rin ni Cacdac na tinatayang 70,000 hanggang 80,000 Filipino pa ang naghihintay na mapauwi na maaari pang tumaas ang bilang hanggang 130,000.

Facebook Comments