Pondo para sa sinalanta ng Bagyong Odette, malabo pang maipamahagi bukas – DBM

101

Malabo pang maipamahagi ang pondong nakalaan para sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.

Ito ang inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) sa kabila ng naunang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaari na itong ma-download ng mga Local Government Unit bukas.

Paliwanag ni DBM acting Secretary Tina Canda, walang commitment na maibibigay agad ang pondo dahil inaalam pa kung magkano ang makukuha ng mga rehiyon at LGU.


Facebook Comments