Sa ₱167 billion na panukalang pondo para sa Department of Transportation (DOTr) sa susunod na taon ay hindi kasama ang subsidiya sa ilalim ng Public Utility Vehicle o PUV modernization program.
Sa budget briefing ng Kamara ay sinabi ni Transportation Undersecretary Mark Steve Pastor, na humingi ang ahensya ng ₱778 million na pondo para dito ngunit hindi ito naisama sa 2023 budget.
Bunsod nito hiniling ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel na gawan ng paraan ng Kongreso na mapaglaanan ng pondo ang tulong para sa drivers na nais mag-modernize ng kanilang mga lumang jeep.
Ayon kay Usec. Pastor, sa kasalukuyan ay nasa 5%-10% na ng PUVs ang namodernisa o katumbas ng 5,300 modernized units at 300 electric vehicles.
Facebook Comments