Pondo para sa WPP, pinadadagdagan ni Representative Johnny Pimentel

Sa harap ng tumataas na bilang ng mga krimen sa bansa ay iginiit ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na madagdagan ang budget para sa Witness Protection Program (WPP) na nasa ilalim ng Department of Justice (DOJ).

Diin ni Pimentel, kailangan suportahan ang naturang programa para maisaayos ang financial, relocation at livelihood assistance sa mga sasailalim sa WPP.

Paliwanag ni Pimentel, sa pamamagitan nito, ay mas marami ang mahihikayat na tumestigo gaya sa kaso ng pagpatay sa mamamahayag na si Percival Mabasa na kilala bilang si Percy Lapid.


Umaabot sa ₱238-million ang budget ng WPP para sa susunod na taon at 512 witness ang nasa ilalim ngayon ng programa habang nasa 48 hideouts nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kasama rin sa mungkahi ni Pimentel na dagdagan ang mga safehouse ng WPP para ma-accommodate ang mas maraming mga witness at ang posibilidad na makasama rin ang kanilang pamilya.

Facebook Comments