Manila, Philippines – Plano ng gobyerno na humiram ng higit isang trilyong piso sa susunod na taon.
Ayon kay National Treasurer Rosalia De Leon, 1.188 trillion pesos ang target na hiramin ng bansa mula sa domestic and foreign sources.
Mataas ito kumpara sa 986.2 billion pesos na programmed gross borrowing ngayong taon.
Paliwanag pa ni Finance Secretary Carlos Dominguez, makatutulong ito para mapondohan sa agresibong spending strategy ng gobyerno lalo na sa build, build, build program.
Facebook Comments