PONDO | Proposed 2019 National budget, natanggap na ng Senado

Manila, Philippines – Target ng Kongreso na ratipikahan ang panukalang ₱3.757 trillion 2019 national budget sa huling linggo ng Enero ng susunod na taon.

Ito ay matapos mai-transmit ng Kamara sa Senado ang bersyon ng General Appropriations Bill (GAB).

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri – ang period ng interpellation ay magsisimula sa susunod na linggo mula December 5 hanggang December 12.


Ang Senado aniya ay magkakaroon ng morning at afternoon sessions simula alas-10:00 ng umaga.

Ang Kongreso kasi ay magkakaroon ng Christmas at New Year break mula December 15 hanggang January 13, 2019.

Itutuloy ang interpelasyon sa pagbabalik ng sesyon sa January 14, 2019 at aaprubahan ang budget bill sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa January 16.

Base sa tentative schedule, posibleng simulan ng Bicameral conference committee ang deliberasyon hinggil sa budget bill mula January 18 hanggang 23.

Inaasahang mararatipikahan ang panukalang 2019 budget sa January 29, 2019.

Pagkatapos nito, malalagdaan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Pebrero.

Facebook Comments