PONDO | Proposed 2019 National budget, natanggap na ng Senado

Manila, Philippines – Natanggap na ng Senado mula sa Kamara ang panukalang 2019 National budget na nagkakahalaga ng P3.757 trillion.

Batay sa tentative calendar para sa National budget na inilabas ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, bubuksan ang plenary debate ng Senado hinggil sa panukalang budget ika-4 o ika-5 ng Disyembre.

Bubunuin nila ito sa plenary debate at amendments hanggang sa mag-adjourn ang Senado sa ika-12 ng Disyembre.


Nakasaad rin sa kalendaryo na aabot sa Enero ng susunod na taon ang pagtalakay sa panukalang budget.

Target na maaprubahan ang budget ng dalawang kapulungan sa huling linggo ng Enero at maisabatas sa ika-7 ng Pebrero.

Facebook Comments