PONDO | Proposed 2019 national budget, tiniyak na maipapasa sa Pangulo sa susunod na buwan – Andaya

Manila, Philippines – Tiniyak ni House Majority Leader Rolando Andaya na maisusumite na nila kay Pangulong Rodirgo Duterte sa susunod na buwan ang panukalang P3.757 trillion national budget para sa 2019.

Ayon kay Andaya, mayroon silang sapat na panahon kaya ang bagong national budget ay mabibigay sa Pangulo bago mag-expire ang 2018 general appropriations act.

Tutol aniya ang Kamara sa re-enacted budget dahil magiging mahirap itong ipatupad, malilimita ang gastos ng gobyerno at mabibigyan ang ehekutibo ng malawak na kapangyarihan kung anong proyekto ang ipapatupad.


Sa ngayon aniya ay isinasapinal na lang nila ang mga probisyon ng general appropriations bill para sa 2019.

Facebook Comments