Manila, Philippines – Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na sagutin ang anomang pagkuwestiyon ng Commission on Audit sa paggamit ng pondo ng Pamahalaan para sa mga nabiktima ng bagyong Ompong.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, walang problema kung makasisilip ang COA ng mali o nlabang ng executive department ang panuntunan ng Procurement law ay ipapaliwanag naman ito ng Pangulo.
Sinabi ni Roque na mahalaga para sa Pangulo na agad na matutugunan ang pangangailangan ng Taumbayan kaysa unahin ang mga itinakdang panuntunan ng COA.
Tutal naman aniya ay mayroong post auditing ang COA habang binigyang diin din aniya ng Pangulo na dapat ay walang bureaucrtic red tape sa paglalabas ng Tulong s Taumbayan.
Paliwanag pa ni Roque, masyadong maraming limitasyon kung ng paguusapan ay delivery ng humnitarian assistance sa panahon ng krisis pero handa ang pangulo na umaksyon at saka nalang magpaliwanag sa COA.