Pinadaragdagan ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang pondo ng Cancer, Supportive Care and Palliative Care Medicines Access Program (CSPMAP) ng Department of Health (DOH).
Pagbibigay diin ng kongresista na siyang may akda ng National Integrated Cancer Control Act (NICCA), nananatili pa rin ang cancer bilang pangunahing sanhi ng pagkasawi sa bansa kung saan 157,000 bagong bilang ng kaso ang naitatala kada taon.
Kabuuang P800 million ang itinutulak na dagdag pondo ni Vargas para sa CSPMAP mula sa orihinal na panukalang budget sa 2022 General Appropriations Bill na P756 million.
Sakaling madagdagan, sinabi ni Vargas na tataas sa P1.586 billion ang pondo para sa Cancer Care and Treatment sa 2022, at mas marami ang tiyak na mabibigyan ng tulong.
Aniya, marami ang pasyenteng may cancer at kani-kanilang pamilya ang humihiling na mataasan ang 2022 budget para sa naturang programa lalo at apektado rin sila ng kasalukuyang economic status dahil sa COVID-19 pandemic.