Nakasisiguro si Senator Pia Cayetano na sustainable at matatag laban sa anumang pagsubok ang pondong ilalaan ng Senado para sa higher education sa susunod na taon.
Sa pagdepensa ni Cayetano sa 2024 budget ng Commission on Higher Education (CHED), sinabi niya na nagbigay sila ng alokasyon sa ahensya na P47 billion para sa susunod na taon habang ang State Universities and Colleges, ay may pondong P106 billion at P23.55 billion sa University of the Philippines.
Sa kabila naman ng napakaliit na pondo para sa Polytechnic University of the Philippines (PUP), pinuri ng senadora ang unibersidad sa pagkakapasok ng PUP sa QS World University Ranking 2024.
Nabilib din ang senadora dahil lumitaw sa JobStreet na ito pa rin ang top educational institution na pinipili ng mga employer.
Sa kasalukuyan ay isa ang PUP na nakakatanggap ng maliit na subsidiya mula sa gobyerno na umaabot lang ng P12 per unit sa bawat estudyante.