Pondo sa ilalim ng Bayanihan 2, hindi sapat, ayon VP robredo

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na ang P165 billion na pondo sa niratipikahang Bayanihan to Recover as One o Bayanihan 2 ay hindi sapat para matugunan ang mga problemang dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa kaniyang public address, binigyang diin ni Robredo na tanging ang gobyerno lamang ang may pondo at makinarya para maibangon ang ekonomiya at maipaabot ang tulong sa mga nangangailangan.

Iginiit ni Robredo na kailangang mayroong ‘sense of urgency’ ang pamahalaan kung saan nakasalalay ang ekonomiya.


Dagpag pa ng Bise Presidente, nakasandal pa rin ang bansa sa isang pre-COVID budget.

Dito inilatag ni Robredo ang kaniyang mga suhestyon para mapabuti ang pambansang ekonomiya sa gitna ng pandemya.

Kabilang na rito ang kahalagahan ng pagtugon sa health crisis bago paganahin ng husto ang ekonomiya.

Mahalagang mapalakas ang health care system ng bansa at matulungan ang medical frontliners at mga ospital.

Inirekomenda rin ni Robredo ang mabilis at mahusay na data gathering at decision-making ngayong panahon ng krisis.

Facebook Comments