MANILA – Isinusulong ng ilang kongresista ang paglalaan ng mas malaking pondo para sa local government units mula sa nakokolektang buwis ng gobyerno.Giit ng Kamara, mas makatutulong ito para mapalakas ang mga development programs ng mga gobernador at alkalde.Sa pamamagitan ng panukala sa Kongreso ay masusunod ang mandato sa konstitusyon hinggil sa local autonomy at decentralization.Ipinanawagan rin ang pagpapalawak ng nararamdamang pag-unlad sa labas ng Kalakhang Maynila.Una rito, pinatataasan nang 40 hanggang 50 percent kada taon ang Internal Revenue Allotment para sa LGU’s. (DZXL 558 – Deogracias Marie D. de Guzman)
Facebook Comments