Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso o P-3 ng gobyerno, nationwide na

Manila, Philippines – Nationwide na ang Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso o P-3 ng gobyerno.

Ayon kay Small Business Corporation (SBCORP) Vice President Melvin Abanto, layon ng micro financing program na pautangin ang may mga maliliit na negosyo kasama ang mga nagtitinda sa palengke.

Aniya, five thousand hanggang one hundred thousand ang pwdeng utangin.


Habang 2.5 percent pababa ang buwanang interes at wala ring collateral.

Nabatid na sa unang isang bilyong pisong pautang ng P3, nasa P256 milyon ang napautang na.

Tiniyak naman ng SBCORP na madali lang ang mangutang sa kanila, kailangan lang mag fill-out ng form sa kanilang website na www.sbgfc.org.ph.

Bukod rito, bukas rin sila sa mga kooperatiba.

Facebook Comments