PONDO | Senator Angara, naglaan ng bilyung piso para sa promotion ng mga guro

338

Manila, Philippines – Naglaan ng 2.9-billion pesos si Senator Sonny Angara para sa job promotion ng mga guro sa State Universities and Colleges o SUCs sa buong bansa.

Ang nabanggit na pondo ay isinulong ni Senator Angara sa isinasagawang deliberation ng Senado sa proposed 2019 national budget.

Ikinatwiran ni Angara na bukod sa libreng tuition sa SUCs, ag pangunahing ding dapat ikonsidera sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon ang pagpapabuti sa kapakanan ng mga guro

Ayon kay Angara, sa pambansang budget na inaprubahan ng Kamara ay walang nakalaan para sa promosyon ng mga guro.

Ipinunto ni Angara na hindi tamang paghuntayin ang mga guro na karapat-dapat naman silang bigyan ng promosyon o dagdag sa sweldo.

Facebook Comments