Manila, Philippines – Naglaan na ang Department of Budget and Management (DBM) ng ₱3.4 billion para sa Department of Agriculture (DA) na layong palakasin ang mga programang para sa mga magsasaka.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, sa ilalim ng subsidy-to-credit program layon ng DA na magbigay ng pautang na tutulong sa mga magsasaka para makabili ng mga kagamitan.
Hindi na lalagyan ng interest ang post-disaster loans.
Bukod dito, susuportahan din ng programa ang mga negosyong pang-agrikultura ng mga katutubo gayundin ang pagbibigay pondo sa mga negosyo ng mga samahan ng mga magsasaka.
Samantala, inaasahang masisimulan na ang implementasyon ng programa sa taong 2020.
Facebook Comments