Pondong ₱19-bilyon para sa pagpapaunlad sa kanayunan, inaprubahan na ng DAR

Inaprubahan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang ₱19-bilyong pondo na hiniling mula sa Agrarian Reform Fund upang suportahan ang ilang mga mahahalagang proyekto na ipatutupad ng ahensya sa kanayunan para isulong ang pag-unlad sa kanayunan.

Ayon kay Agrarian Reform Secretary Conrado M. Estrella III, isa sa mga proyektong ipatutupad sa naaprupahang pondo ay ang Pang-Agraryong Tulay para sa Bagong Bayanihan ng mga Magsasaka o Project PBBM, na naglalayong magtayo ng mga modular steel bridge na magpapabilis sa biyahe, magpapataas ng produktibidad, at madagdagan ang kita ng mahigit 350,000 na mga kabahayan.

Paliwanag pa ng kalihim na ang ibang bahagi ng naaprubahang pondo ay gagamitin din sa pagpapagawa ng mga farm-to-market road at pagkakaloob ng mga farm machinery and equipment.


Dagdag pa ni Estrella, ang mga investment na ito ay kritikal sa pagpapabuti ng pagkakaroon ng pangangalagang pangkalusugan, edukasyon, at iba pang mahahalagang serbisyo, lalo na sa mga kanayunan kung saan ang ganitong serbisyo ay tradisyonal na mahirap maabot.

Facebook Comments