PONDONG HIGIT P286M, MAGAGAMIT NA PARA SA MEDICAL ASSISTANCE FOR INDIGENT PATIENTS SA LALAWIGAN NG PANGASINAN

Matapos maaprubahan sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang panukalang Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP) at Financially Incapacitated Patients program noong June 19, 2023, nagtuloy-tuloy nang umusad ang nasabing panukala na makapagbibigay ng tulong para sa mga indigent sa lalawigan na walang kakayahang makapagbayad ng bill sa mga hospital.
Inilabas na rin ang pondo kung saan maaari nang gamitin ang kabuuang P286,895,375.51 na ipapamahagi at paghahatian ng labing-apat (14) na government-run hospitals sa lalawigan na pinangangasiwaan ng pamahalaang panlalawigan.
Base sa inaprubahan ng na Prov.Resolution No. 527-2023 na nagbibigay ng awtorisasyon kay Gov. Ramon V. Guico III na pumasok sa isang memorandum of agreement (MOA) kasama ang Department of Health Center for Health Development 1 (DOH CHD 1) para sa pagpapatupad ng nasabing programa kung saan nahati-hati na ang nasabing pondo.
Ang Pangasinan Provincial Hospital ay mayroong P93,159,000.00, Urdaneta DH ay P40,683,588.00, P28,215,000.00 naman para sa Bayambang DH, Western Pangasinan DH ay may pondong P22,374,000.0, Eastern Pangasinan DH ay nabigyan ng pondong P21,871,038.05, Lingayen DH mayroong P14,850,000.00, ang Mangatarem District Hospital naman ay P14,355,000.00, Pozorrubio Community Hospital may pondong P9,900,000.00, makakakuha naman ang Mapandan CH ng P6,930,000.00, Umingan CH mabibigyan ng P6,930,000.00, Asingan CH na mapapamahagian ng P6,930,000.00, P6,930,000.00 naman para sa Bolinao CH , Dasol CH na mabibigyan ng P6,930,000.00 at sa Manaoag CH ay makakakuha ng P6,837,749.46.
Ang nasabing programa ng pamahalaan ay nakabatay sa Admin. No. 2020-0060 ng DOH na inamyendahan noong Marso 30 ng taong ito na ang pondo ng MAIP program ay makakatulong sa mga Pangasinenseng pasyente na walang kakayahang makabayad.
Samantala, matatandaang inihayag ni VG Mark Lambino na mayroong naganap na commitment sa opisina ni Sen. Bong Go na lahat ng 14 na hospital ay makakatanggap din ng tig-P2-M na tulong para sa lahat ng indigent na pasyente sa probinsya.
Facebook Comments