Pondong ibinawas mula sa NTF-ELCAC, ipinasasauli ni Pangulong Duterte

Ipinababalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2023 national budget ang P16 million na ibinawas ng Senado sa pondo ng bawat benepisyaryong barangay para sa development program ng

National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) upang labanan ang insurhensiya.

Ito ang kinumpirma ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr., sa isang pulong ng NTF-ELCAC sa Butuan City.


Matatandaan na mula sa P20 million kada barangay na budget noong 2021, ibinaba ito ng Senado sa P4 million ngayong 2022.

Naniniwala si Secretary Esperon na maaaprubahan na ang budget na ito ngayong taon, lalo’t posible aniya na hindi na ibalik ng mga Pilipino ang mga Senador na nagbawas sa budget ng NTF-ELCAC.

Sa ilalim ng barangay development program na ito, isinusulong at ipinatatayo ang mga proyekto tulad ng farm to market road, school buildings, electrification at water system, health stations at pagbibigay ng livelihood assistance, upang mailayo sa mga rebeldeng komunista ang mga liblib na lugar.

Facebook Comments