Pondong ilalaan para sa ECQ ayuda sa mga taga- Laguna at Bataan, tiniyak ng Palasyo

Siniguro ng Malakanyang na makakukuha rin ng ayuda ang mga benepisyaryo sa Bataan at Laguna na kasali na rin ngayon sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, naglaan ang DBM ng P2.725B sa Laguna, batay sa isinumiteng computation ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at sa actual number beneficiaries.

Para naman sa mga taga- Bataan, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista na patuloy ngayong dinidetermina kung ilan ang mga benepisyaryo batay sa rekomendasyon ng Bataan Local Government Unit (LGU) at kung magkano ang halagang katumbas nito.


Kasunod nito, tiniyak naman ni Roque na sapat ang savings at dibidendo ng gobyerno na siyang gagamitin para sa pamamahagi ng ayuda sa mga lugar sa bansa na nasa ilalim ngayon ng ECQ.

Facebook Comments