Inaalam na ng Senado kung bakit hindi pa nagagastos ang natitirang pondo na nakalaan sa mga maliliit na negosyo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Senator Sonny Angara na ipinagtataka nila kung bakit hindi pa naibibigay ang pondo para sa mga nasa sektor ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa kabila ng ito ang isa sa pinaka-apektado.
Ayon kay Angara, hindi pa fully utilized ang pamamahagi ng pondo kung kaya’t dapat tingnan kung saan nagkaroon ng pagkukulang sa implementasyon ng batas.
Sa ilalim ng Bayanihan 2, nasa P10 billion ang nakalaang pondo bilang pautang sa mga maliliit na negosyong naapektuhan ng krisis dulot ng COVID-19.
Facebook Comments