Pinapatapyasan ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel ang 7.8 billion pesos na panukalang pondo para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para sa susunod na taon.
Sa plenary deliberations para sa 2025 proposed national budget ay inilatag na rason ni Manuel ang mabagal na paggastos ng NTF-ELCAC tulad ng 2.2 billion pesos na nakalaan sa Barangay Development Program (BDP).
Layunin ng BDP na magpatupad ng mga programang magpapa-unlad sa mga komunidad na apektado ng kaguluhan.
Sa panukalang pondo ay target na bigyan ng tig-7.8 million pesos ang 780 na barangay na malinis na sa communist insurgency.
Samantala, sa budget deliberations ay pinuna rin ni Manuel ang kakulangan ng pondo para sa mga student councils, student publications, at student organizations.