Pondong pambili ng karagdagang laboratory supplies at iba pang pangangailangan para ma-detect ang bagong COVID variant, ginagawan na ng paraan ng DOH; Pagkakaroon ng back-up vaccine recipients, inihimok din

Naghahanap na ng pondo ang Department of Health (DOH) para sa pagbili ng karagdagang laboratory supplies at iba pang pangangailangan para ma-detect ang bagong COVID variant.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa ito kasama sa P203-billion budget ng DOH ngayong 2021 dahil wala pa ito noong budget proposal sa 2020.

Bagama’t makakahanap ng paraan ang gobyerno para dito, sinabi ni Vergeire na mabuti pa ring makahanap ng panggagalingan ng pondo para sa pagbili ng nasabing pangangailangan.


Samantala, iginiit din ni Vergeire na kailangan na ng mga ospital at Local Government Units (LGUs) na magkaroon ng back-up vaccine recipients.

Sa pamamagitan kasi aniya ng paghahanda ng listahan ay maiiwasan na ang pagkasayang ng mga bakuna.

Facebook Comments