Isinusulong ng Philippine College of Physicians (PCP) ang pagsasagawa ng pooled o random COVID-19 testing sa mga komunidad at lugar ng trabaho.
Ayon sa PCP, maaari pang dumarami ang gumagala sa komunidad o workplace na hindi namo-monitor dahil sa kakulangan ng testing.
Ibig sabihin, hindi agad isasailalim sa COVID-19 pagkatapos ma-expose sa isang pasyente.
Plano naman ni Presidential Adviser Joey Concepcion na gumawa ng random testing sa halos lahat ng empleyado kahit fully vaccinated na.
Sa ngayon, nagboluntaryo na ang Quezon City para sa COVID-19 testing ng libu-libong mga empleyado ng mga mall na tinatawag na “Industry Wide Active Surveillance” (IWAS) program.
Facebook Comments