Pooled testing, isasagawa sa mga lugar na may mababang hawaan ng COVID-19

Sinisilip na ng pamahalaan na gamitin ang pooled COVID-19 testing sa mga lugar o sektor na may mababang hawaan ng COVID-19.

Sa ilalim pooled testing, gagamit ng isang testing kit para sa multiple samples.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang samples mula sa 100 individual ay pagsasamahin sa 10 pools.


Ang mga pool na negatibo ang resulta ay isasantabi habang ang mga lalabas na positibo ay kailangang i-test ang mga indibidwal na nakapaloob sa pool.

Hindi nila gagawin ang pooled testing sa mga lugar na may maraming kaso dahil mataas ang tiyansang magpositibo ang lahat ng indibidwal na nasa pool.

Inihalimbawa ni Vergeire ang mga sektor na mayroong less prevalence ng COVID-19 tulad ng vendors, cashiers, security guards at grocery workers.

Paglilinaw rin ni Vergeire na ang pooled testing ay patuloy na pinag-aaralan ng health authorities.

Facebook Comments