Sumasailalim sa ethics review ng Single Joint Research Ethics Board ang pooled testing ng mga samples para sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pooled testing ay proseso ng pagsasama-sama o paggrupo ng iba’t ibang samples para magamit nang husto ang laboratory capacity.
Sinabi rin ni Vergeire na ang ethics review ay makakatulong para matukoy ang kinakailangang bilang ng specimen para sa pooled testing at ilang laboratory ang kayang gawin ito.
Nabatid na isinusulong ni dating Health chief at Iloilo Representative Janette Garin ang panukalang batas na layong i-maximize ang government resources sa pagsasagawa ng pooled testing sa vulnerable population.
Ang panukala ay nakalusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara nitong June 1.