Pooled testing, sisimulan na ngayong araw; paggamit ng rapid test kits, patuloy na i-eendorso ng pamahalaan

Patuloy na i-eendorso ng Malacañang ang paggamit ng rapid test kits kahit hindi kumbinsido ang ilang medical practitioners sa resultang inilalabas nito.

Ito ang tugon ng Palasyo matapos ihayag ni Dr. Anthony Dans ng Philippine Society of General Internal Medicine na ang rapid test ay nagpapalala lamang sa bilang COVID-19 infections sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ipinahahayag lamang ni Dr. Dans ang kanyang opinyon dahil may ibang doktor ang suportado sa paggamit ng rapid test kasama ang PCR test.


Aminado si Roque na hindi lahat ay may access sa testing kits.

Mananatili rin aniyang “gold standard” ang PCR tests.

Kaugnay nito, sisimulan na ng pamahalaan ngayong araw ang pagsasagawa ng pooled testing na sisimulan sa Makati City.

Ang pooled testing ay ang paggamit ng isang PCR test sa 10 indibiduwal, kapag nagpositibo sa COVID-19 ay kailangang i-retest ang buong batch na gumamit ng nasabing test kit.

Sa paraang ito, mas maraming tao ang mate-test.

Facebook Comments