Nilinaw ng Manila Police District (MPD) at ng pamunuan ng Minor Basilica of The Black Nazarene na hindi ilalabas ang Poon ng Itim na Nazareno sa panahon ng Semana Santa.
Ayon kay MPD Director Police Brigadier General Leo Francisco, pumayag ang pamunuan ng simbahan ng Quiapo sa kanilang rekomendasyon na kahit na sa panahon ng Semana Santa ay hindi ilalabas ang Black Nazarene.
Sa harap ito ng pananatili ng National Capital Region (NCR) sa Alert Level 1 ng COVID-19.
Nilinaw naman ng MPD na tuloy pa rin ang prusisyon, pero ang maaari lang sumama rito ay mga pari, sakristan at mga mananampalataya.
Subalit, hindi kasama ang Poon ng Itim na Nazareno para maiwasan ang pagdagsa ng mga deboto sa mga kalye na daraanan ng prusisyon.
Facebook Comments