POPCOM, palalakasin ang development programs sa harap ng lumolobong populasyon

Nanawagan ang Commission on Population and Development (POPCOM) sa pamahalaan na magpatupad ng “far-reaching” at “holistic” na pamamaraan para mapagtibay ang population at development programs.

Ayon kay POPCOM Undersecretary Juan Antonio Perez III, ang lumolobong populasyon ay nakakatulong sa socioeconomic development ng bansa.

Dapat magkaroon ng mga hakbang para masigurong naalagaan ang mga mamamayan at natuturuan ng kinakailangang skills.


“Calls for actions from governments at all levels to intensify their initiatives to ensure that all Filipinos are healthy, educated, resilient, and able to contribute to national development,” ani Perez.

Napansin din ni Perez na bumagal ang population growth – resulta ng mababang fertility rate lalo na at maraming kababaihan ang gusto lamang ng maliit na pamilya.

Batay sa 2020 Census, inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na aabot na sa 109 million ang populasyon ng bansa.

Facebook Comments