Natanggap na ni Pope Francis at Pope Emeritus Benedict XVI ang kanilang ikalawa at huling dose ng COVID-19 vaccine.
Nabatid na Enero 14 ng kasalukuyang taon nang bakunahan ang Santo Papa ng bakuna mula kompanyang Pfizer-BioNTech.
Sinimulan na rin noong nakaraang buwan ang pagbabakuna sa ilang residente at empleyado ng Vatican kasama ang kanilang pamilya bilang hakbang ng bansa sa patuloy na paglaban sa COVID-19 pandemic.
Nakatakda ring bigyan ng bakuna ang Vatican Journalist na makakasama ni Pope Francis sa pagbisita nito sa Iraq sa darating na Marso.
Facebook Comments