Pope Francis – Binisita Ang Mga Biktima Ng Lindol Sa Central Italypope Francis – Binisita Ang Mga Biktima Ng Lindol Sa C

12

Umapela ngayon Si Pope Francis sa mga biktima ng nangyaring lindol sa Italy na muling buoin ang kanilang puso kasabay ng muling pagbuo ng kanilang mga tahanan na sinalanta ng trahedya.Kasunod na rin ito ng pagkikipag-usap sa pagbisita ng santo papa sa ilang libong katao na tinamaan ng lindol mula Agosto hanggang Nobyembre ng nakaraang taon sa Umbria, Lazio at Marche Regions.Umabot sa 20-minuto na nakipag-usap ni Pope Francis kung saan pinakinggan at dinamayan nito ang mga kwento ng mga nabiktima ng lindol.Noong Agosto, Oktubre at Nobyembre ay niyanig ng malakas na lindol ang central Italy na aabot ng magnitude 6.6. na ikinasawi ng mahigit 300 katao.

Facebook Comments