Kumpirmadong dadalo si Pope Francis sa lahat ng sessions ng high-stakes sex abuse prevention summit sa susunod na buwan.
Ayon sa Vatican, nagkita na ang organizers noong nakaraang linggo sa rome para sa meeting na gagawin mula pebrero 21 hanggang 24 kung saan na-brief na rin ang santo papa tungkol sa mga paghahandang gagawin.
Ang meeting ay kabibilangan ng mga plenary meetings, witness testimony, at isang penitential mass.
Inatasan naman ni Pope Francis si dating Vatican Spokesman, Rev. Federico Lombardi na pangunahan ang plenary sessions ng meeting.
Mababatid na inanunsyo ni Pope Francis noong Setyembre 2018 na iimbitahan nya ang mga Presidente ng bishops’ conference sa buong mundo na dumalo sa summit.
Ito ay sa kabila ng kritisismong natatanggap ng santo papa dahil sa pag-handle nya ng mga abuse cases sa kaparian, at ang isa pang lumutang na scandal sa US, at Chile.