Handang kausapin ni Pope Francis si US President Donald Trump ng personal upang pagsabihang mali ang magtayo ng border wall.
Ayon sa Santo Papa, nais niyang bigyan ng babala ang US Leader na huwag ituloy ang polisiya na maghihiwalay sa mga pamilya.
Ipinagkibit-balikat lang ng pope ang mga kritisismo mula sa mga “ultra-conservative” na katoliko na tinatawag siyang heretic.
Giit ni Pope Francis, ang paghiwalayin ang magulang sa kanilang mga anak ay hindi naaayon sa natural law.
Sa ngayon, wala pang itinakdang planong pag-uusap sa pagitan ng Vatican Leader at ni Trump.
Facebook Comments